Philippine Embassy - Tokyo, Japan > Paalala Sa Lahat ng Mamamayang Pilipino sa Japan

Paalala Sa Lahat ng Mamamayang Pilipino sa Japan

Ang lahat ng mamamayang Pilipino sa Japan ay pinaaalalahanang may malakas na bagyo (International Codename Chaba; Japan Code Typhoon Number 18) na paparating sa Japan.

Ayon sa balita, ang bagyo ay inaasahang tatama sa mainland Okinawa simula ngayong alas-9 ng gabi hanggang bukas, 04 October 2016 ng umaga. Ito ay may lakas ng hangin na aabot sa 234 kilometro bawat oras (kph) at inaasahang magdudulot ng malakas na hangin at matinding pag-ulan.

Pinapayuhan ang lahat na maghanda, maging mapagmatyag sa dadaanan at pananalasa ng bagyo, at makinig sa mga ulat at mga babala ng lokal at nasyonal na pamahalaan.

Bigyang pansin at tumalima sa lahat ng paalala ng mga awtoridad at sundin ang kanilang mga direktiba at gabay. Manatili po tayong mapagmatyag at handa upang maiwasan ang pinsala na dala ng Bagyong Chaba.

Bisitahin po ang website ng inyong kinatitirahang Prefecture at ang website ng Japan Meteorological Agency (http://www.jma.go.jp/en/typh/) para sa karagdagang kaalaman.

Source: NHK News

Source: NHK News

 

Emergency Hotlines:

Philippine Embassy, Tokyo:
080-4928-7979

Philippine Consulate General, Osaka: 090-4036-7984

Philippine Honorary Consulate General, Naha City, Okinawa: 098-892-5486

 

Share this on... Share on FacebookTweet about this on TwitterShare on Google+Pin on PinterestShare on RedditDigg thisShare on StumbleUponEmail this to someone