1. Home
  2. »
  3. Announcements
  4. »
  5. Consular Advisories
  6. »
  7. Paalala Sa Lahat ng Mamamayang...

Paalala Sa Lahat ng Mamamayang Pilipino Sa Japan

Ang lahat ng mamamayang Pilipino sa Japan na bibiyaheng patungong India, lalo na ang mga bata, nakatatanda, o ang mga taong ang katawan ay mahina, ay pinaaalalahanang mag-ingat dahil sa banta ng pagdami ng kaso ng sakit na H1N1 infection (swine flu) doon.

Hangga’t maaari, ipagpaliban muna o bumiyahe patungo sa nasabing bansa kapag ang banta ng naturang sakit ay lumipas o wala na.

Bigyang pansin at tumalima sa lahat ng paalala ng mga awtoridad at sundin ang kanilang mga direktiba at gabay. Manatili po tayong mapagmatyag at handa upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na H1N1.

Consular Section
Philippine Embassy
Tokyo, Japan