OAV Registration, Consular Mission and Mobile Passport 2012 in Iwate Ken
Ipina-aalam sa mga Pilipino sa Tohoku Region na magkakaroon ulit ng “Consular Mission and Mobile Passport Service” sa Iwate-ken ngayong Marso 2012.
Maaari ring magparehistro bilang overseas absentee voter para sa darating na eleksyon sa 2013!
ANO | : | Consular Mission and Mobile Passport Service |
KAILAN | : | ika-31 ng Marso 2012 (Sabado) |
SAAN | : | Room 501, AIINA Center 1-7-1 Morioka Station West, Morioka City, Iwate Prefecture 020-0045
|
ORAS | : | 9:30 a.m. – 4:30 p.m. (Iwasan po sana na dumating na patapos na ang consular mission. Magbigay ng sapat na panahon sa pag-aantay sakaling maraming aplikante. Mas makabubuting sabihin sa volunteer kung umaga o hapon kayo darating.) |
Consular Services
-
Passport Renewal
Lahat ng nagnanais makapag-renew ng pasaporte sa araw na ito ay kailangang magpalista/magpatala at magsumite ng mga kailangang dokumento sa mga volunteers . (Please see list of area volunteers below.)
Ihanda ang mga sumusunod upang ibigay sa volunteers bago ang ika-9 ng Marso 2012:
- Application form para sa renewal na may kumpletong detalye at tamang sagot.
(Magtanong sa volunteer o di kaya’y idownload sa internet ang application form sa http://tokyo.philembassy.net/downloads/ePassport-tpe-AppForm.pdf) - Isang kopya ng “data page” ng inyong hawak na pasaporte.
- Isang kopya ng “amendment page” ng inyong hawak na pasaporte kung may amendments.
- Isang kopya ng Report of Marriage/Marriage Contract kung gagamitin na ang apelyido ng pinakasalang asawa.
- Kung bata (below 18 years old) ang aplikante, kailangang ng kopya ng valid passport ng magulang. Sasamahan ng magulang ang bata sa araw ng aplikasyon.
Sa araw ng consular mission, dadalhin ang:
- Passport
- Self-addressed Letterpack500 envelope (mabibili sa kombini at sa Japan Post Office)
Mas makabubuting maghanda rin ng kopya ng inyong birth certificate sakaling may kailangang kumpirmahin na detalye sa araw ng pagpapa-renew.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang nilalaman ng http://tokyo.philembassy.net/consular-section/services/passport/passport-renewal/
PAUNAWA:
- Hindi po tatanggap ng Lost Passport Application processing sa AIINA.
- May pre-processing sa bawat aplikasyon ng pasaporte.
- Tanging ang mga nagpalista lamang at nagpasa ng tama at kumpletong papeles ang makakapag-renew sa araw ng consular mission.
- Humigit-kumulang sa 45 na araw bago dumating sa Japan ang bagong pasaporte mula sa Pilipinas.
- Application form para sa renewal na may kumpletong detalye at tamang sagot.
-
Passport Extension
Ang may mga mahalagang biyahe palabas ng Japan at hindi makakapag-antay sa bagong pasaporte ay maaaring magpa-extend ng kanilang passport validity sa araw ng consular mission. Tiyakin lamang na ang pasaporteng hawak ay hindi pa paso, ngunit mawawalan na ng saysay sa loob ng 5 buwan.
Ihanda ang mga sumusunod sa araw ng consular mission:
- Valid passport at isang kopya ng data page.
-
Civil Registration
Tatanggap ng aplikasyon para sa Report of Birth at Report of Marriage.
Ang kumpletong listahan ng mga kailangang dokumento ay nasa
http://tokyo.philembassy.net/consular-section/services/civil-registration/report-of-birth-rob/
http://tokyo.philembassy.net/consular-section/services/civil-registration/report-of-marriage-rom/Ang mga kailangang dokumento ay dapat maipasa sa mga volunteers bago mag ika-9 ng Marso 2012.
PAUNAWA: Tanging ang mga nagpalista lamang at nagpasa ng tama at kumpletong papeles ang makakapag-file ng Report of Birth at Report of Marriage. Maaaring may pipirmahan sa araw ng consular mission ang tatay ng bata/asawa ng aplikante.
-
Legalization of Documents
Tatanggap ng aplikasyon para sa pagpapa-notaryo, mga apidabit o sinumpaang salaysay, at mga pagsasalin ng kapangyarihang pangkinatawan (Power of Attorney). Tiyakin lamang na ang inyong pangalan at lagda sa dokumentong ipapa-notaryo ay tugma sa inyong pangalan at lagda sa valid passport/ID.
Ihanda ang mga sumusunod para ipasa sa araw ng consular mission:
- Dokumentong ipapa-notarize at isang kopya nito. Lalagdaan ninyo ang inyong dokumento sa harap ng notaryo.
- Valid passport at kopya ng data page at signature page.
PAUNAWA: Kailangang magpalista ang nagnanais na magpa-notaryo.
-
Application for NBI Clearance
Tatanggap ng aplikasyon para sa NBI Clearance. Kukunan ang aplikante ng fingerprint impressions. Matapos nito, ang form ay ipapadala ng aplikante sa Pilipinas upang maibigay sa NBI at magkaroon ng clearance certificate.Ihanda ang mga sumusunod para sa araw ng consular mission:
- Isang 2×2 color picture.
- Valid passport / ID.
PAUNAWA: Kailangang magpalista ang nagnanais na magpa-NBI.
Volunteer List for AIINA Mobile Passport / Consular Service 2012
Para sa pagpapatala sa mga nais na consular services at mga karagdagang tanong maari pong kontakin ang mga volunteers na ito:
|
Para sa mga Pilipinong nakatira sa mga karatig-lalawigan ng Iwate na nais magpasa ng papeles para sa consular mission, maaaring ipadala po ang inyong passport renewal/civil registration application sa address na ito:
MARIE ASANUMA |