Announcement: Schedule ng Consular Outreach Missions in 2018
Nais po naming ipaalam sa publiko na ang Embahada ng Pilipinas sa Tokyo ay magsasagawa ng mga Consular Outreach Missions sa mga sumusunod na prefectures:
SCHEDULE | PREFECTURE |
14-15 JULY 2018 | SHIZUOKA CITY, SHIZUOKA |
15-16 SEPTEMBER 2018 | SAPPORO CITY, HOKKAIDO |
06-07 OCTOBER 2018 | SENDAI CITY, MIYAGI |
23-25 NOVEMBER 2018 | GINOWAN CITY, OKINAWA |
MARCH 2019 | NAGANO CITY, NAGANO |
APRIL 2019 | ISESAKI CITY, GUNMA |
MAY 2019 | CHIKUSEI CITY, IBARAKI |
Kung kayo ay naninirahan sa mga ciudad na ito, maari po kayong mag-apply para sa mga susunod na serbisyo:
- Passport (ang mga mag-aaply po ng passport ay kailangang dumaan sa pre-processing at mag-submit ng required supporting documents ilang llinggo bago ang Consular Outreach Mission. Wala pong walk-in passport applications sa Consular Outreach Mission)
- Report of Birth, Report of Marriage, Report of Death
- Notaryo sa mga affidavit, Special Power of Attorneys (SPA) at iba pang dokumento
- NBI clearance
Maari pong konsultahin ng ating mga kababayan ang Proseso ng Application sa Consular Outreach Missions sa link na ito para sa karagdagang impormasyon:
GABAY PARA SA APPLICATION SA CONSULAR OUTREACH MISSION
Abangan sa susunod na announcement ang venues ng consular outreach missions.
Maraming salamat po.