Safety Confirmation
Kayo po ba ay may mga kamag-anak sa Aomori, Iwate, Miyagi at Fukushima Prefectures, na simula po noong lindol at tsunami noong 11 Marso 2011 ay hindi ninyo ma-contact sa telepono, cell phone o e-mail? Ang Philippine Embassy ay nakikipag-ugnayan sa Pamahalaan ng Bansang Hapon upang makakuha ng impormasyon sa mga Pilipinong nakatira sa Aomori, Iwate, Miyagi at Fukushima Prefectures. Mangyari po lamang na i-download ang form na ito at isulat (sa Katakana, Hiragana o Kanji sa wikang Hapon ***) ang mga impormasyong hinihingi (lahat ng impormasyon kung maaari):
http://tokyo.philembassy.net/downloads/SafetyForm.pdf
Huwag pong kalimutan na ilagay sa “Point of Contact” ang pangalan at contact information ng taong maaaring tawagan o sulatan ng Philippine Embassy kung mayroon na pong information na available.
Matapos pong maisulat ang lahat ng impormasyong hinihingi sa form, mangyari po lamang na i-fax ito sa (03)5562-1603 o kaya naman ay i-scan ito at ipadala sa e-mail sa emergency@tokyophilembassy.net hanggang Lunes, 28 March 2011.
Tatawagan o kaya ay magpapadala ng e-mail ang Philippine Embassy sa Point of Contact kapag mayroon pong nakalap na impormasyon tungkol sa inyong kamag-anak.
*** Kung hindi kayang isulat sa wikang Hapon, maari pong isulat sa Ingles o Tagalog at susubukan ng Philippine Embassy na maisalin ito sa wikang Hapon.