Reminders For Filipinos Travelling to Japan
PAALALA SA MGA PILIPINONG PUPUNTA SA JAPAN
Maraming Pilipinong turista ang kasalukuyang nagpupunta sa bansang Japan upang magbakasyon at makita ang mga puno ng sakura (“cherry blossom trees”). Ang Pasuguan ng Pilipinas sa Tokyo ay muling nagpapa-alaala ng mga sumusunod para sa ating mga kababayang pupunta sa bansang ito:
- Maging maingat po sa inyong pagbibiyahe at siguraduhing hindi mawawala o mawawaglit ang inyong pasaporte, kasama ang inyong mga dokumentong pagkakakilanlan (identification cards), credit cards at iba pang mahahalagang bagay habang namamasyal. Pinapayuhan ang mga turista na magdala ng kopya ng data page ng inyong pasaporte, ID at credit cards na hindi nakalagay sa parehong lalagyan ng mga orihinal ng mga dokumentong nabanggit bago pumunta sa Japan.
- May kamahalan ang pagpapaospital at pagpapagamot sa Japan lalo na kung walang insurance ang mga pasyente. Pinapayuhan ang lahat ng mga Pilipinong turistang patungo sa Japan na kumuha ng travel and health insurance para sa panahong naglalagi sa naturang bansa, lalo na ang mga nakatatanda na o mga nagkaroon na ng karamdaman tulad ng stroke, heart attack, o katulad na mga sakit sa mga nakalipas na taon.
- Ipinapaalala po sa lahat na ang mga bayarin bunga ng pagkakasakit at pagpapaospital ay responsibilidad ng turista, ng kanyang mga kamag-anak, at ng visa guarantor ng turista sa Japan.
- Sa panahon ng emergency dulot ng pagkakasakit, maaaring tumawag sa numerong (+81) 119 upang humingi ng ambulansya na magdadala sa may sakit sa ospital, at ipaalam ang nangyari sa Assistance to Nationals (ATN) Unit ng Pasuguan.
Para sa mga suliranin na maaaring tugunan ng Pasuguan, mangyari po lamang na tumawag sa Assistance to Nationals (ATN) hotline sa numerong +8180-4928-7979.
Maraming salamat po.
There are substantial numbers of Filipinos visiting Japan during the sakura (cherry blossoms) season. The Embassy of the Philippines in Tokyo, Japan would like to remind the travelling public of the following:
- Filipino tourists are reminded to be careful not to lose their passports, identification cards, credit cards and other valuables during the duration of their stay in this country. Everyone is advised to keep a copy of the data page of their passport, IDs and credit cards separate from where the originals are placed when travelling in and around Japan.
- Health and hospital care is expensive in Japan particularly if the patient has no health insurance. In this regard, it is highly recommended that Filipinos especially those of advanced age or those with previous medical conditions traveling to Japan should obtain a travel and health insurance for the entire duration of their tour.
- Please note that costs of health and hospital care as well as any medication expenses are the responsibility of the tourist, his or her next of kin, and the person who guaranteed their stay during the application of their visa to Japan.
- In times of medical emergencies, please call the number (+81) 119 to ask for an ambulance which will take the patient to a hospital, and inform the Assistance to Nationals Unit of the Embassy.
For other concerns, please call the Assistance to Nationals (ATN) Unit hotline at +8180-4928-7979. Thank you.
Embassy of the Republic of the Philippines
Tokyo, Japan
04 April 2016