Paalala Sa Lahat ng Mamamayang Pilipino
Gusto Mo Bang Bumoto Sa Halalan 2016 Kahit Ikaw Ay Nasa Japan?
Magparehistro Na Bilang Absentee Voter!
ANG HULING ARAW NG PAGPAREHISTRO AY 31 OKTUBRE 2015.
Sa ilalim ng Republic Act No. 9189 – “Overseas Absentee Voting Act of 2003” – na inamyendahan ng Republic Act No. 10590, ang lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas sa ibang bansa na hindi diskwalipikadong bumoto ayon sa batas, hindi bababa sa labing-walong (18) taong gulang sa araw ng halalan sa 09 May 2016 at nakarehistro bilang isang “Absentee Voter” ay maaaring bumoto para sa halalan ng pagka-Pangulo, Bise-Presidente, mga Senador at Party – List Representative sa Pilipinas.
Upang makaboto sa darating na eleksyon, ang lahat ng mamamayang Pilipinong kwalipikado ay nangangailangang magparehistro (kung hindi pa rehistrado bilang overseas absentee voter) o magpa-“certify” (kung rehistrado na bilang botante sa Pilipinas at hindi pa rehistrado bilang absentee voter sa ibang bansa) upang makaboto sa susunod na Halalan 2016. Maaari ring magpalipat ng rehistro ng pagboto sa Embahada ang mga Pilipinong nakarehistro na sa ibang lugar sa Pilipinas o sa ibang bansa.
Ang mga nakatira sa mga Prefecture ng Akita, Aomori, Chiba, Fukushima, Gunma, Hokkaido, Ibaraki, Iwate, Kanagawa, Miyagi, Nagano, Niigata, Okinawa, Saitama, Shizuoka, Tokyo, Yamagata at Yamanashi ay kailangang magparehistro at bumoto sa Embahada ng Pilipinas sa Tokyo.
Tinatawagan ang lahat ng botanteng Pilipino na pumunta sa Embahada ng Pilipinas, 5-15-5 Roppongi, Minato-ku, Tokyo, mula ika-9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, at mula ika-1:00 ng hapon hanggang 4:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes (hindi kasama ang Sabado at Linggo, gayon din ang mga holiday), hanggang 31 October 2015, upang magparehistro.
Dalhin po ang inyong valid passport, gayundin ang iba pang dokumentong maaaring hingin kung magpapalipat ng rehistro o magpapabago ng pangalan (tulad ng marriage certificate, Alien Card o iba pang ID) para sa inyong aplikasyon.
PAHALAGAHAN ANG KARAPATAN BILANG PILIPINO!
MAGPAREHISTRO AT BUMOTO!