Paalala Sa Lahat ng Mamamayang Pilipino sa Japan
Ang lahat ng mamamayang Pilipino sa Japan ay muling pinaaalalahanang tungkol sa malakas na bagyong Chaba (Typhoon No. 18).
Ayon sa balita, ang bagyo ay kasalukuyang nasa 140 kilometro sa gawing hilagang kanluran ng Matsue City sa Shimane Prefecture. Ang bagyo ay may bilis na 65 kilometro bawat oras at inaasahang tatahak mula sa rehiyon ng Hokuriku hanggang sa rehiyon ng Tohoku simula mamayang hatinggabi hanggang bukas, 06 Oktubre 2016, ng umaga. Ang bagyo ay patuloy na magdudulot ng malakas na hangin, mataas na alon sa dagat at matinding pag-ulan sa mga rehiyong nabanggit.
Muling pinapayuhan ang lahat na maghanda, maging mapagmatyag sa dadaanan at pananalasa ng bagyo, at makinig sa mga ulat at mga babala ng lokal at nasyonal na pamahalaan.
Bigyang pansin at tumalima sa lahat ng paalala ng mga awtoridad at sundin ang kanilang mga direktiba at gabay. Manatili po tayong mapagmatyag at handa upang maiwasan ang pinsala na dala ng Bagyong Chaba.
Bisitahin po ang website ng inyong kinatitirahang Prefecture at ang website ng Japan Meteorological Agency (http://www.jma.go.jp/en/typh/) para sa karagdagang kaalaman.
Emergency Hotlines:
Philippine Embassy, Tokyo:
080-4928-7979
Philippine Consulate General, Osaka: 090-4036-7984