Paalala Sa Lahat ng Mamamayang Pilipino sa Japan
Ang lahat ng mamamayang Pilipino sa Japan ay pinaaalalahanang may malakas na bagyo (codename Vongfong) sa Japan at mga karatig na lugar at karagatan sa mga susunod na araw. Ito po ang sinasabing pinakamalakas na bagyo sa taong 2014. Pinapayuhan ang lahat na maghanda, maging mapagmatyag sa pananalasa ng bagyo, at makinig sa mga ulat at mga babala ng lokal at nasyonal na pamahalaan.
Bigyang pansin at tumalima sa lahat ng paalala ng mga awtoridad at sundin ang kanilang mga direktiba at gabay. Manatili po tayong mapagmatyag at handa upang maiwasan ang pinsala na dala ng bagyo.
Bisitahin po ang website ng inyong kinatitirahang Prefecture at ang website ng Japan Meteorological Agency (http://www.jma.go.jp/en/typh/).
Emergency Hotlines:
Philippine Embassy, Tokyo: 080-4928-7979
Philippine Consulate General, Osaka: 090-4036-7984
Philippine Honorary Consulate General, Naha City, Okinawa: 098-892-5486
08 October 2014