Paalala Para Sa Mga Pilipinong Nasa Japan Na Mag-eexpire Ang Visa Ng March, April, May at June 2020
Para sa mga kababayan natin na:
- – may temporary visitor visa,
- – may residence status bilang technical intern trainee at iba pang designated activities,
- – may ibang residence status na hindi nasasaklaw ng mga naunang kategorya,
Kung mag-eexpire na po ang inyong visa at hindi makauwi sa Pilipinas nang dahil sa pagkakansela ng mga flights patungong Pilipinas, linuwagan po ng Japanese Immigration ang kanilang proseso upang hindi dumugin ang kanilang mga regional immigration bureaus.
Sa bagong proseso ng Japanese Immigration, ang mga may visa na mag-eexpire sa March, April, May at June ay maaring manatili nang legal sa Japan nang hindi lalalagpas ng 90 days mula sa expiration ng visa.
Kailangan po kayong mag-file ng application for extension sa loob ng 90 days mula sa date of expiration ng inyong visa, o bago ang inyong schedule ng pag-alis sa Japan.
Huwag po tayong mag-file ng extension nang last minute. Magbigay pa rin po nang kahit dalawang lingong allowance bago matapos ang 90 days o bago ang inyong schedule ng pag-alis. Pinakamainam pa rin po na makapag-file ng extension nang mas maaga.
Halimbawa, kung ang inyong visa ay mag-eexpire sa 15 April 2020, maari po kayong mag-file ng extension hanggang katapusan ng June 2020, basta hindi lalagpas sa 90 days na palugit, o di kaya’y dalawang lingo bago ang inyong scheduled flight pabalik ng Pilipinas, alinman sa dalawa ang mas maaga.
Para sa karagdagang impormasyon, maari pong i-check ang link na ito:
http://www.moj.go.jp/content/001316293.pdf
Para sa iba pang mga katanungan at pangangailangan, maari po lamang ay mag-email sa atn@BURAHINphilembassy.net.