PAALALA: Ibayong pag-iingat sa patuloy na pagtaas ng COVID19 cases sa Tokyo
PAALALA
Bilang pag-iingat sa patuloy na pagtaas ng COVID19 cases sa Tokyo , nakikiisa ang Embahada ng Pilipinas sa Tokyo Prefectural Government sa pagbibigay paalala sa ating mga kababayan na mas lalong paigtingin ang kanilang ibayong pag-iingat laban sa COVID19.
Muling pinapaalalahanan ang ating mga kababayan sa mga sumusunod na hakbangin:
- Tangkilikin ang mga business establishments na may “rainbow” sticker, sapagkat ang mga ito ay napatunayang compliant sa mga prevention measures laban sa COVID19;
- Iwasang pumunta sa mga nightlife district establishments kung saan mas mataas ang incidence ng COVID19 infection;
- Iwasang makipag-usap nang malapitan;
- Iwasan ang non-essential travels sa labas ng Tokyo;
- Mas mag-ingat ang mga senior citizens at may mga underlying conditions lalo na kapag sila’y lumalabas;
- Gamitin ang contact tracing app ng Japanese Government.
Hinihikayat ng Embahada ang ating mga kababayan na laging sundin ang mga paalalang ito para sa kanilang kaligtasan at kalusugan.