Dahil Sa Quasi-State of Emergency, Postponed Po Ang Consular Outreach sa Okinawa
Bilang pag-iingat sa mabilis na pagkalat ng COVID-19 at alinsunod sa pagdeklara ng quasi state of emergency sa Okinawa, nais pong ipabatid ng Philippine Embassy sa Tokyo na mapo-postpone ang Okinawa Consular Mission na naka-scehdule sa 22-23 January 2022 sa Naha City.
Maglalabas po ulit ang Embassy ng announcement sa aming FB page at website kung kailan mare-reschedule and consular mission sa Okinawa at kung paano muling makapagpa-appointment.
Habang aming pong tinitingnan kung kailan mare-reschedule ang consular mission, nais po naming abisuhan ang mga aplikante na gawin ang mga sumusunod:
1) Passport
- Para po sa mga may emergency at hindi makakapaghintay sa pag-reschedule ng consular mission sa Okinawa, maaaring mag-email sa passport@philembassy.net para mabigyan kayo ng options sa mga maaaring gawin.
- Para po sa mga nais magpunta sa Tokyo upang magpa-renew ng passport, kumuha lamang po ng online appointment sa link na ito: https://www.passport.gov.ph/.
2) Civil Registration
- Para po sa mga nagnanais na mag-apply ng civil registry (Report of Birth, Report of Marriage, Report of Death, at LCCM), maaari ninyong ipadala sa postal mail ang inyong civil registry application.
- Para po masigurado na kumpleto ang inyong requirements, i-email muna ang inyong mga dokumento sa civilreg@DELETEphilembassy.net.
- Para sa kumpletong listahan ng requirements, paki-check ang link na ito: https://tokyo.philembassy.net/consular-section/services/civil-registration/#nav-cat
3) Notarials
- Para po sa mga may ipapa-notaryo, maaaring i-avail ang Apostille process. Paki-check po ang link na ito para sa impormasyon tungkol sa Apostille: https://tokyo.philembassy.net/consular-section/services/notarial-services/apostille-formerly-authentication/#nav-cat
- Para po sa NBI application, renunciation at dual citizenship, maaaring mag-email sa notarials@DELETEphilembassy.net upang mabigyan ng advice sa mga maaaring gawin.
Ang kalusugan at kaligtasan po ng lahat ang ating prayoridad. Sapagkat ang pagtaas ng COVID-19 cases dito sa Japan ay iniuugnay sa mas nakakahawang mutant strain ng nasabing virus, amin pong inaabiso sa lahat na ipagpaliban muna ang paglabas o pagbiyahe at sundin ang mga health and safety protocols ng inyong local na pamahalaan.
Maraming salamat po sa patuloy ninyong pag-unawa at pag-suporta.