1. Home
  2. »
  3. News
  4. »
  5. Pakikilahok ng Mini-ARTA sa 2017...

Pakikilahok ng Mini-ARTA sa 2017 Philippine Festival

banner-philfestival

Ang Pasuguan ng Pilipinas sa Tokyo kaugnay ang Civil Service Commission (CSC), at kasama ang PhilHealth, SSS at PagIBIG, ay magkikilahok sa 2017 Philippine Festival upang ihatid ang mini-ARTA Caravan sa liwasang Hibiya sa Tokyo mula ika-30 ng Setyembre hangang ika-1 ng Oktubre 2017.

Ang mini-ARTA Caravan ay ipinangalan sa Republic Act No. 9485 o Anti-Red Tape Act (ARTA) na pinasa at pinalaganap noong 2007.

Ang ARTA Caravan ay kusa ng CSC upang pairalin ang mabuting serbisyo ng Pamahalaang Pilipino sa pamamagitan ng pagtipon ng mga serbisyong pampubliko sa isang lugar upang maginhawang mapakinabangan ang mga ito ng mga Pilipino. Ang iilang mga ahensiyang nakilahok na sa ARTA Caravan ay ang CSC, PSA-NSO, DFA, PhilHealth, PagIBIG, SSS, NBI, LTO, BIR, DTI, GSIS, LandBank At CHED.

Sinimulang isagawa ang ARTA Caravan sa Luzon, Visayas, Mindanao at Palawan noon 2016. Sa kaunaunahang pagkakataon, isasagawa ito sa Tokyo para sa mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa bilang pagunita ng ika-sampung taon ng ARTA. Ipaaabot ng PhilHealth, SSS at PagIBIG ang kanilang mga serbisyo sa okasyon ng 2017 Philippine Festival.

Tagged as: