Paanyaya
Ang lahat ay inaanyayahang dumalo sa isang kakaibang Pagsasanay Tungkol sa Kaligtasan Mula sa mga Sakuna sa Akasaka Civic Hall, sa 2 February 2015, 10:00 AM – 1:00 PM, upang maging higit na handa sakaling may kalamidad.
Kasama sa pagsasanay ang sumusunod:
- Disaster Prevention Lecture
- Emergency Life Saving Lecture
- Earthquake Prevention Exercise
- Emergency Food Tasting
- Exhibition of Disaster Prevention Products
- Making of Emergency Food Box
Ang pagsasanay ay gagawin sa wikang Ingles at gaganapin sa pangunguna ng Japan Emergency Food Organization (JEFO) at sa tulong ng Tokyo Jogakkan Junior High School, Japan Red Cross at Pasuguan ng Pilipinas sa Tokyo. Bukas ito para sa mga bata at nakatatanda, sa mga magulang at kanilang mga pamilya.
Ang interesadong dumalo ay maaaring magbigay alam sa ATN Unit ng Pasuguan ng Pilipinas sa Tokyo sa pamamagitan ng email (atn@protectionphilembassy.net) o kaya text message sa 080-4928-7979.