1. Home
  2. »
  3. Announcements
  4. »
  5. Paalala Sa Mga Pilipino Na...

Paalala Sa Mga Pilipino Na Mag-ingat Sa Mga Nag-aalok ng Refugee Visa

Pinapaalalahanan ang bawat mamamayang Pilipino na mag-ingat sa mga indibidwal o organisasyon na nag-aalok ng refugee visa kapalit ang malaking halaga ng salapi upang mamalagi at makapagtrabaho sa Japan.

Ang isang refugee ay isang taong napilitang lumikas sa kanyang bansa dahil sa pag-uusig, digmaan, o karahasan. Ang isang refugee ay may malinaw at matatag na batayan ng pagkatakot sa pag-uusig dahilan sa kanilang lahi, relihiyon, nasyonalidad, opinyon sa pulitika o pagiging kasapi sa isang partikular na grupo ng lipunan.

Hindi kinikilala na refugee ang mga mamamayang lumikas ng kani-kanilang bansa dahil sa mga sumusunod:

  • may kaalitan na kapitbahay, kakilala, o gang dahil sa pagkakautang at iba pa;
  • may kaalitan na kamag-anak dahil sa mana, away ng mag-asawa, pagkakautang at iba pa;
  • nagnanais magtrabaho sa Japan; at
  • nagnanais na magpagamot sa Japan.

Sa talaan ng Ministry of Justice ng Japan, nangunguna ang mga Pilipino sa bilang ng aplikante noong 2017 na umabot sa 4,895. Wala ni isa sa mga aplikasyong ito ang naaprubahan.

Ayon sa batas ng Japan, ang mga aplikante para sa refugee visa na hindi kikilalanin ng Ministry of Justice ay hindi na mabibigyang ng pagkakataong mamalagi at magtrabaho sa Japan. Ang pagtrabaho sa Japan na walang working visa ay paglabag sa Immigration Control Act ng Japan na may kaparusahang pagkulong, deportasyon at isa (1) hanggang sampung (10) taong hindi pagpasok sa Japan.

Maraming salamat po.

seal-tpe-300x300

Tagged as: