Paalala Sa Lahat ng Mamamayang Pilipino sa Japan
Ang lahat ng mamamayang Pilipino sa Japan ay muling pinaaalalahanang may malakas na bagyo (International Codename Vongfong; Japan Code Typhoon Number 19) sa Japan at mga karatig na lugar at karagatan sa mga susunod na araw. Ayon sa balita, ang bagyo ay dadaan sa kanlurang bahagi ng Japan sa ika-13 ng Oktubre, at hahagip sa Tokyo sa ika-14 ng Oktubre, bandang alas tres ng umaga (3:00 AM).
Ito po ang sinasabing pinakamalakas na bagyo sa taong 2014 at nababalitang kasing lakas ng bagyong Yolanda (International Codename Haiyan) na nanalasa sa Pilipinas noong 2013 at nakasira sa maraming bayan, kasama ang Tacloban, Leyte.
Pinapayuhan ang lahat na maghanda, maging mapagmatyag sa dadaanan at pananalasa ng bagyo, at makinig sa mga ulat at mga babala ng lokal at nasyonal na pamahalaan.
Bigyang pansin at tumalima sa lahat ng paalala ng mga awtoridad at sundin ang kanilang mga direktiba at gabay. Manatili po tayong mapagmatyag at handa upang maiwasan ang pinsala na dala ng Vongfong.
Bisitahin po ang website ng inyong kinatitirahang Prefecture at ang website ng Japan Meteorological Agency (http://www.jma.go.jp/en/typh/) para sa karagdagang kaalaman.
Emergency Hotlines:
Philippine Embassy, Tokyo: 080-4928-7979
Philippine Consulate General, Osaka: 090-4036-7984
Philippine Honorary Consulate General, Naha City, Okinawa: 098-892-5486
09 October 2014