1. Home
  2. »
  3. Overseas Voting
  4. »
  5. Notice: Allowing Registered Overseas Voters...

Notice: Allowing Registered Overseas Voters to Vote in Posts Where The Voter is Currently Residing

PATALASTAS: PAGPAPABOTO SA MGA REHISTRADONG BOTANTE SA EMBAHADA O KONSULADO
NA MALAPIT SA KANILANG KASALUKUYANG TIRAHAN

Sang-ayon pô sa COMELEC OFOV Guidelines 2016-001, lahát pô ng mga rehistradong botante sa ibayong-dagat (Registered Overseas Voter) para sa kasalukuyang gináganáp na halalan ay pinapayagan nang makaboto sa Embahada o Konsuladong pinakamalapit sa kaniláng kasalukuyang tirahan o pinamámasukan.

Kinákailángan lamang pong ipahayág ng rehistradong botante ang kaniyáng pagnanais na makaboto, sa pamamagitan ng pag-punó at paglagdâ sa kasulatáng sadyáng inihandâ para dito (“Manifestation of Intention to Vote”) na maaarì pong kunin din sa Embahada.


Pursuant to COMELEC OFOV Guidelines 2016-001, all registered voters with active registration status in any Post (Philippine Embassy, Consulate General or Consulate) may now be allowed to vote in the Post near their current places or residence or work.

Such overseas voters are requested to manifest their intention to vote in writing at the Post concerned, using a form that will be provided for this purpose.