Mahalagang Anunsyo Tungkol sa Pag-Conduct ng 2019 Eleksyon
Mahalagang Anunsyo Tungkol sa Pag-Conduct ng 2019 Eleksyon
Para sa kaalaman ng mga registered voters sa consular jurisdiction ng Embahada ng Pilipinas sa bansang Hapon (Kanto, Nagano, Shizuoka, Okinawa at parteng hilaga ng bansang Hapon), eto po ang mga procedures para sa pag-conduct ng 2019 pambansang elekson:
- Ang election period para overseas voting ay mula 13 ng Abril hanggang 13 ng Mayo ngayong taon.
- Ang mga pangalan lamang sa “Certified List of Voters” (CLOV) ang maaring bumoto. Makikita ang listahan sa http://tokyo.philembassy.net/08oav/certified-list-of-overseas-voters-clov/
- “Postal voting” ang modo ng pagboto. Magpapadala ang Embahada ng mail packets sa mga botante na nasa listahan ng CLOV. Nasa loob ng mail packet ang instructions, return envelope at ang balota. Ang address sa balota ay ang address na binigay ng voter noong sya ay nag-register. Kung ang registered voter ay nagpalit na ng address, pumunta po sa Japan Post para i-notify ang Japan Post ng tamang address (puwede rin po itong gawin sa website ng Japan Post).
- Para sa paglagay ng boto sa balota, basahin at sundan ang “Instructions to Voters” guide na nasa mailing packet. Huwag kalimutang maglagay ng stamps sa envelope (kayo po ang magpro-provide ng stamps). Lahat ng mga balota ay dapat makarating sa Embahada ng alas-7 ng gabi ng 13 ng Mayo 2019.
- Paki-antabayan ang website at Facebook Page ng Embahada para sa iba pang announcements tungkol sa 2019 pambansang elekson.