Huling Araw ng OAV Registration sa Philippine Embassy Tokyo, Japan
Nais po naming ipagbigay-alam sa mga kababayang Pilipino sa Japan na mayroon pong Overseas Absentee Voter’s Registration dito sa Philippine Embassy, Consular Section sa ika-31 ng Oktubre 2015, Sabado, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Maaari pong magparehistro upang makaboto sa darating na eleksyon sa Mayo 2016.
Ipakita lamang po ang kopya ng valid passport o valid residence card.
Para po sa mga gustong magpareactivate ng inyong overseas voting (para sa mga hindi nakaboto ng dalawang beses), extended po ang filing ng reactivation mula ika-31 ng Oktubre hanggang ika-9 ng Disyembre.
Bukas po ang aming tanggapan sa Nobyembre 3, Martes. Patuloyo po kaming tatanggap ng inyong OAV reactivation application.
Salamat po.