Babala Sa Publiko
Mag-ingat sa mga ikinakalat na polyeto ng mga kumpanyang nagpapanggap na sila ay kinikilala o may pahintulot ng Pasuguan ng Pilipinas at ng mga ahensya ng Pamahalaan ng Pilipinas na tumanggap ng papeles o mag-alok ng payo, o di kaya’y tumulong sa pag-proseso ng mga requirements sa mga serbisyong pang-konsulado.
Ilan sa serbisyong inaalok ng mga ito ay ang pagkuha ng mga kaukulang dokumento na may kaugnayan sa sumusunod na mga serbisyo – passport, LCCM, ROM/MC, ROB/BC, SPA at affidavit, “red ribbon”, annulment of marriage, court recognition for divorce, visiting visa to Japan, atbp.
Ang mga kumpanyang ito at ang kanilang mga tauhan at tagapamudmod sa labas o kalapit lugar ay walang kaugnayan sa Pasuguan at sa iba pang mga ahensya ng Pamahalaan ng Pilipinas tulad ng NBI, NSO/PSA o DFA.
Ipinapakiusap namin sa publiko na makipag-ugnayan lamang sa mga konsuladong kawani ng Pasuguan ng Pilipinas. Ilan sa ating mga kababayan ay naloko na ng mga kumpanyang ito. Sila ay nagbayad ng napakamahal para sa kadalasa’y pekeng dokumento at para sa mga serbisyong hindi kinailangan o ipinagkaloob.
Pasuguan ng Pilipinas
Tokyo
Warning To The Public
Beware of misleading advertisement circulated by establishments pretending to be officially recognized by the Philippine Embassy and the Philippine Government for securing documents, providing advise on consular and legal matters, and assistance in the processing of requirements for consular services.
These establishments profess to procure documentary requirements for the following – passports, LCCMs, ROMs/MCs, ROBs/BCs, SPAs and affidavits, “red ribbon”, annulment of marriage, court recognition for divorce, visiting visa to Japan, among others.
These establishments and their representatives found outside or near embassy premises are not accredited or authorized by the Philippine Embassy and Philippine Government agencies such as the DFA, NSO / PSA and NBI.
The public is advised to conduct their transactions directly with the Consular Section of the Philippine Embassy. A number of Filipinos were already victimized by these unscrupulous establishments. Either they were charged expensive fees for services they did not need, or they did not obtain the service or document they paid for, with some documents being spurious.
Philippine Embassy
Tokyo