Babala Para Sa Mga Pilipino sa Japan
Ang lahat ng mamamayang Pilipino sa Japan ay pinaaalalahanang may malakas na bagyo (Shanshan; Japan Code Typhoon Number 13) na dadaan sa Kanto at Tohoku regions ng Japan, kasama na ang Tokyo, sa mga susunod na araw. Ayon sa pinakahuling balita, maaaring magkaroon ng matinding pag-ulan, malakas na hangin at mataas na alon sa karagatan ang mararanasan sa mga nasabing lugar bago pa man tumama ang bagyo.
Pinapayuhan ang lahat na maghanda, maging alerto sa dadaanan at pananalasa ng bagyo, at makinig sa mga ulat at mga babala ng lokal at nasyonal na pamahalaan.
Bigyang pansin at tumalima sa lahat ng paalala ng mga awtoridad at sundin ang kanilang mga direktiba at gabay. Manatili po tayong mapagmatyag at handa upang maiwasan ang pinsala na dala ng bagyong Shanshan.
Bisitahin po ang website ng inyong kinatitirahang Prefecture at ang website ng Japan Meteorological Agency (http://www.jma.go.jp/jp/typh/) para sa karagdagang kaalaman.
Salamat po.