Advisory To ePassport Applicants
Paunawa sa Lahat ng Aplikante ng Pasaporte
Ipinaaalam ng Embahada sa publiko ang patungkol sa kasalukuyang pagkaka-antala sa pag-isyu at pag-release ng mga pasaporte. Ayon sa inilabas na pahayag ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas sa Maynila, tinukoy na sanhi ng pansamantalang delay sa produksyon ng pasaporte ang mga gawaing teknikal, kasama na ang pagkukumpuni ng mga kagamitang pampasaporte sa Passport Personalization Center sa Maynila. Hindi rin nakatulong sa sitwasyon ang biglaang-pagdami ng mga aplikasyon ngayong tag-init at panahon ng bakasyon.
Bunga ng mga pangyayaring ito, bahagyang tatagal ang pagpapadala ng mga pasaporte mula Maynila patungong Japan. Tinatayang lalampas sa nakagawiang anim na linggong panahon ng pag-aantay ang pag-release ng mga bagong pasaporte.
Pinapayuhan ang mga aplikanteng nagnanais mag-renew ng kanilang mga pasaporte na magpa-extend na lamang muna, kung ang kanilang hawak na pasaporte ay wala nang bisa sa loob ng anim na buwan.
Samantala, kung kayo po ay nakapag-file na ng inyong ePassport application (at hinhintay na lang ang release) at kinakailangan ninyong umuwi ng Pilipinas dahil sa isang “emergency,” maaari kayong mag-aplay ng Travel Document . Dalhin lamang ang inyong resibo ng epassport, luma (at kanseladong) pasaporte at kopya ng data page nito, dalawang litrato na may sukat na 2×2, kasama ng ticket reservation/travel booking at magsadya sa Consular Section, Window 6.
Para sa mga aplikanteng walang emergency travel pauwi sa Pilipinas ngunit kailangan makapag-pakita ng pasaporte sa alinmang ahensiya ng pamahalaan ng Japan, makapag-bibigay ng sertipikasyon ang embahada bilang katunayan na may pasaporteng inaplay at ‘under processing’ pa sa Maynila. Dalhin lamang ang inyong resibo sa epassport at lumang (kanseladong) pasaporte sa nasabing bintana (Window 6). Walang kailangang bayaran para sa sertipikasyong ito.
Batid ng embahada ang epekto ng mga kaganapang ito sa iskedyul ng biyahe at transaksyon ng publiko. Habang ginagawa ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas sa Maynila ang lahat ng kinakailangan upang maisaayos ang lahat, umaasa ang embahada sa inyong pang-unawa.
Humihiling ang embahada ng paumanhin sa mga taong lubhang naapektuhan ng mga di-inaasahang pangyayaring ito.
Maraming salamat po.
To All ePassport Applicants:
The Philippine Embassy wishes to appeal for public understanding for the delay in the release of ePassports. The Department of Foreign Affairs (DFA) had earlier issued a statement attributing the delay in the processing and release of ePassports due to maintenance work and upgrades in the ePassport Personalization Center in Manila. This is also compounded by the considerable increase in passport applications during the summer season.
Consequently, the release of ePassports in Tokyo will take longer than the usual six-week turn-around time. In this regard, the Embassy wishes to advise applicants whose passports are about to expire to apply instead for Passport Extension at Window 6 of the Consular Section.
Passport applicants awaiting the release of their new ePassport who need to travel to the Philippines because of an emergency can apply for a Travel Document at the Passport Processing Window (No.6). Kindly bring your ePassport official receipt, cancelled passport and photocopy of data page, 2 pcs 2×2 picture, and ticket reservation/travel booking issued by your travel agent.
Applicants who are not traveling to the Philippines but need to present a valid passport to Japanese authorities can request for a certification of passport application, also at Window 6. Kindly bring your ePassport official receipt and cancelled passport. The certification will be issued free of charge.
The Embassy reiterates its appeal for public understanding, as the Department of Foreign Affairs is exerting all efforts to resolve these problems as soon as possible.
Consular Section (Passport Unit)
Embassy of the Republic of the Philippines
Tokyo, Japan