Advisory on The State of Emergency in Japan
Nag-announce po si Japanese Prime Minister Shinzo Abe ng State of Emergency mula 7 April hanggang 6 May sa Tokyo, Kanagawa, Chiba, Saitama, Osaka, Hyogo at Fukuoka Prefectures para makatulong sa pagsugpo sa COVID-19.
Kung kayo po ay nakatira o nagtatrabaho sa mga Prefecture na ito, mag-abang sa TV, radio, dyaryo, at official website at social media ng inyong Prefectural Government para sa mga announcements tungkol sa State of Emergency.
Habang may State of Emergency, lahat po tayo ay
- Manatili sa bahay at lumabas lamang kung kinakailangan
- Panatilihin ang social distancing
- Mag-suot ng face masks kung lalabas ng bahay
- Iwasan ang pagpunta sa mga mga lugar na closed spaces, crowded places at close-contact settings tulad ng mga bars, night clubs, karaoke live-music houses, theaters, cinemas
- Iwasan ang pagdalo sa mga event na maraming tao
Pinapaki-usapan po namin kayo na iwasan po nating lumabas sa ating mga Prefecture para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Kung kayo po ay nakatira sa ibang Prefecture na hindi sakop sa State of Emergency, iwasang mag-byahe papunta sa Tokyo, Kanagawa, Chiba, Saitama, Osaka, Hyogo at Fukuoka kung hindi naman kinakailangan.
Higit sa lahat, manatili po tayong kalmado dahil
- Patuloy na mag-ooperate ang public transportation tulad ng mga train at bus
- Hindi magkakaroon ng mga checkpoints at hindi magsasara ng mga daanan
- Bukas pa din ang mga supermarkets, konbini, restaurants, banks, post offices at iba pang essential services
- Normal pa rin ang operation ng public services tulad ng kuryente, tubig, gas, telecoms, banking, at garbage collection
Kung meron po kayong emergency concerns, maari po kayong mag-contact sa Embassy sa telephone numbers 080-7000-7979 at 080-4928-7979 at sa email sa consular@BURAHINphilembassy.net, atn@BURAHINphilembassy.net. Para sa labor concerns, maari po kayong mag-contact sa 070 3630 0167 at email sa polotokyo@gmail.com.
Sundin po natin ang mga regulasyon ng Japanese Government tungkol sa state of emergency para na rin sa ating kaligtasan at kalusugan.
Maraming salamat po.