1. Home
  2. »
  3. Announcements
  4. »
  5. COVID-19 Travel Advisories
  6. »
  7. ADVISORY: Magbubukas ang Consular Services...

ADVISORY: Magbubukas ang Consular Services sa 1 June 2020

Magbubukas po ang consular services ng Embassy simula Lunes, 1 June 2020.

Para patuloy na ma-protektahan ang ating kaligtasan at kalusugan, ipapatupad po natin ang sumusunod until further notice:

  • Bukas po ang consular section sa publiko mula 10AM hanggang 2PM, Lunes hanggang Biyernes;
  • APPOINTMENT ONLY system para sa passport, notarial at civil registration services. Hindi po muna tatanggapin ang mga WALK-IN at walang appointment;
  • Strict implementation ng mga health protocols tulad ng social distancing, pagsuot ng mask, coughing etiquette at temperature check. Hindi po papapasukin ang mga may temperature na 37.5 degrees pataas;
  • Para hindi maging crowded ang Embassy:
    • pumunta po tayo sa oras lamang ng ating appointment
    • iwasang mag-sama ng ibang tao na hindi naman aplikante
    • Kung kayo po ay senior citizen, menor de edad, PWD o kailangan ng special assistance, maaring isang companion lang po ang isama sa loob ng Embassy
    • lumabas agad ng Embassy kung tapos na ang inyong application
  • Magdala po tayo ng Letterpack 520 pagpunta sa Embassy dahil by postal mail lang po and release ng dokumento. Hindi po muna pwedeng i-claim in person ang mga dokumento ninyo.

APPOINTMENT SYSTEM

  1. Para makakuha ng appointment sa Passport Applications (New Applicants, Renewals, Special Cases), mag-register po sa link na ito:https://tokyo.philembassy.net/pponline/.

    Magdala po ng Letterpack 520, kasama ng mga requirements sa pag-apply ng passport, sa araw ng inyong scheduled appointment.

  2. Para makakuha ng appointment sa Civil Registration (Report of Birth, Report of Marriage, Report of Death), Notarial Services (Special Power of Attorney, Affidavits, NBI Clearance, etc.), mag-register po sa link na ito:

    https://tokyopeconsularappointment.setmore.com/bookappointment.

    Magdala po ng Letterpack 520, kasama ng mga requirements sa pag-apply ng civil registration at notarial services, sa araw ng inyong scheduled appointment.

SUSPENDED SERVICES

Suspended pa din po ang mga sumusunod na services until further notice:

  1. Visa Applications
  2. Dual Citizenship Applications

Para sa mga karagdagang katanungan, mag-email po sa consular@philembassy.net.

Umaasa po ang Embassy sa inyong patuloy na pag-unawa at kooperasyon.

Maraming salamat po.

Tagged as: