ADVISORY: Temporary Na Pagsara ng Consular Services
Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga COVID-19 positive cases sa Japan, lalo na sa Tokyo, at alinsunod na din sa direktiba ng Tokyo Metropolitan Government, magsasara po muna ang Embahada sa publiko mula April 1.
Ang lahat po ng ating consular services ay hindi muna available mula April 1. Maglalabas po kami ng bagong paalala kung kailan muli magbubukas ang consular services.
- Lahat ng may passport appointment na apektado nito ay makakakuha ng priority appointment sa muling pagbubukas ng Embahada. Hintayin lang po natin ang susunod na mga announcement. Kung mayroon pong tanong, pwede po kayong tumawag sa 080 7000 7979 o mag-email sa consular@DELphilembassy.net;
- Ipapagpaliban po muna ang pagpunta sa Embahada para sa visa, pagpapakasal, pagpapanotaryo, at pagpaparehistro ng kapanganakan, kasal, kamatayan, atbp. Kung may katanungan tungkol dito, maaring mag-email sa consular@DELphilembassy.net;
- Para sa emergency assistance tulad ng immigration problem, domestic violence, pagkakakulong at iba pa, maari pong tumawag sa 080 4928 7979 o mag-email sa atn@DELphilembassy.net;
- Para sa mga labor concerns, maari pong i-contact ang POLO-Tokyo:
Labor & Facilitation Services: polotokyo@gmail.com; polotky@DELphilembassy.net
Welfare Services: polo_tokyopost@yahoo.com.ph
Lahat po tayo ay nagkakaisa sa hangarin na maging ligtas at pigilin ang pagkalat ng COVID-19. Kaya’t inaasahan ng Embahada na lahat tayo ay sumunod sa mga alintuntunin na inilatag ng Japanese Government, pati na rin po ang pagsunod sa social distancing measures, hygienic practices, coughing etiquette at hindi paglabas ng ating mga tahanan kung hindi kinakailangan. Kung may nararamdamang sintomas, tumawag po sa COVID Hotline ng inyong local health office.
Nakasalalay po sa ating ibayong pag-iingat ang kaligtasan at kalusugan nating lahat.
Umaasa po ang Embahada sa inyong pag-unawa at kooperasyon. Makakaasa po kayo sa patuloy na paglilingkod ng Embahada sa ating mga kababayan sa gitna ng ating sama-samang paglaban sa COVID-19.