ADVISORY: Nationwide State of Emergency sa Japan at Tokyo Call Center Para sa Foreigners
Nag-declare po kahapon si Japanese Prime Minister Shinzo Abe na ang buong Japan ay under state of emergency na hanggang 06 May para makatulong sa pagsugpo sa COVID-19.
Habang may state of emergency, pinapayuhan po namin kayo na wag mag-biyahe sa labas ng inyong Prefecture at huwag lumabas sa inyong mga tahanan kung hindi naman kinakailangan. Mag-social distancing po tayo at mag-suot ng face mask kung lalabas ng bahay.
Manatili po tayong kalmado at mag-abang sa TV, radio, dyaryo, at official website at social media ng inyong Prefectural Government para sa mga announcements tungkol sa state of emergency sa inyong lugar.
Gumawa din po ang Tokyo Metropolitan Government (TMG) ng bagong call center hotline kung kayo ay may mga tanong tungkol sa state of emergency sa Tokyo.
Ang CALL CENTER HOTLINE po ay available sa Japanese, English at Tagalog:
Tokyo Coronavirus Support Center for Foreign Residents (TOCOS)
0120-296-004 (Toll Free)
Monday – Friday, 10:00am – 5:00pm
Kung meron po kayong emergency concerns, maari po kayong mag-contact sa Embassy sa telephone numbers 080-7000-7979 at 080-4928-7979 at email sa consular@BURAHINphilembassy.net, atn@BURAHINphilembassy.net.
Maari din po kayong mag-contact sa POLO-OWWA
Emergency mobile number: 070-3630-0167
Email: polo_tokyopost@yahoo.com
FB Fan page: POLO-OWWA TOKYO
Philippine Consulate General sa Osaka
telephone number: 090-4036-7984
email: queries.osakapcg@gmail.com
Philippine Consulate General sa Nagoya
telephone number: 525-882-604
email: nagoya.pcg@gmail.com
Sundin po natin ang mga regulations ng Japanese Government tungkol sa state of emergency, kabilang ang mga travel regulations, para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 at hindi na tumagal pa ang state of emergency.
Maraming salamat po.