ADVISORY: Mga Proseso Para Sa Mandatory Testing at Quarantine Ng Lahat Ng Filipino Na Pauwi Sa Pilipinas
Ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging and Infectious Diseases (IATF) ay nagpapatupad ng mandatory testing at quarantine para sa lahat ng Filipinos na pauwi ng Pilipinas, kabilang ang Overseas Filipino Workers, turista, estudyante, trainee, atbp.
Ito ang mga proseso na dapat sundin natin:
- Lahat ng Filipino na galing o nag-transit sa Japan ay isasailalim sa RT-PCR test (https://www.facebook.com/dfaphl/videos/330554734606441/)
- Bago ang inyong flight, magregister sa electronic Case Investigation From (e-CIF): https://e-cif.redcross.org.ph/ para sa RT-PCR test na isasagawa ng Philippine Red Cross;
- Pwede din kayong magpa RT-PCR test sa private testing facilities na matatagpuan sa airport terminal o kaya makipag-coordinate sa sa airlines. Kung ito ang pipiliin, kailangan din ninyong mag-register sa e-CIF ng napiling private testing facility;
- Maari ninyong makuha ang resulta ng swab test sa loob ng 72 hours;
- Kung negative ang RT-PCR test result, bibigyan kayo ng clearance at maari nang umuwi sa inyong mga tahanan upang tapusin ang mandatory 14-day home quarantine;
- Kung positive ang RT-PCR test result, dadalhin po kayo sa hospital o sa temporary treatment facility depende sa inyong pinapakitang sintomas.
- Habang hinihintay ang resulta ng swab test, kailangang mananatili kayo sa mga napiling accredited hotel quarantine facilities:
- Sa link na ito makikita ang mga accredited hotels: http://quarantine.doh.gov.ph/facilities-inspected-as-of-july-30-2020/;
- Mangyaring mag pre-book kayo sa inyong napiling quarantine hotel facility bago ang flight pauwing Pilipinas.
- Ihanda ang inyong valid email at mobile numbers para sa mas mabilis na pagproseso pagdating sa airport.
- Maaring limitado pa rin ang mga domestic flights o provincial buses habang may ipinapatupad na ECQ/MECQ/GCQ/MGCQ sa Metro Manila sa iba pang mga rehiyon at probinsya.
- Para sa karagdagang impormasyon, maaring pong mag-contact sa 24/7 OFW Help Facebook: https://www.facebook.com/OFWHelpPH