ADVISORY: Extension ng State of Emergency sa Tokyo at Iba Pang Prefectures Hanggang 7 March
Ipinapaalam ng Embahada sa ating mga kababayan ang pagpapalawig ng State of Emergency sa Tokyo, Kanagawa, Chiba, Saitama, Aichi, Gifu, Osaka, Kyoto. Hyogo, at Fukuoka hanggang 7 March 2021 bilang pag-iingat laban sa tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Pinapayuhan ang ating mga kababayan na sundin ang mga alituntunin at health protocols ng kanilang mga prefectures na nasa ilalim ng state of emergency. Iwasan din po natin lahat ng non-essential travels sa ibang bahagi ng Japan.
Sa ilalim ng ipinapatupad na State of Emergency, pinapayuhan ang lahat na:
- Iwasang lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan;
- Panatilihin ang social distancing;
- Magsuot ng face masks;
- Iwasan ang pagpunta sa mga lugar na may 3Cs o closed spaces, crowded places at close-contact settings tulad ng mga bars, night clubs, karaoke at live-music houses;
- Iwasan ang pagdalo sa mga pagtitipon tulad ng drinking party.
Kung sakaling may nararamdaman na sintomas o naging close contact ng isang COVID-19 case, mangyari pong makipag-ugnayan sa inyong mga local health centers o sa mga foreign consultation desks na makikita sa link na ito upang mabigyan ng karampatang gabay:
Regional Call Centers: https://www.c19.mhlw.go.jp/area-en.html
Maging maingat po tayo sa lahat ng panahon para sa kapakanan natin at ng ating mga mahal sa buhay.
Maraming Salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa.