1. Home
  2. »
  3. Announcements
  4. »
  5. A Strong Reminder on Soliciting...

A Strong Reminder on Soliciting Donations in Public

Filipinos are strongly reminded to desist from soliciting monies, for charitable causes or otherwise, in the public places of Japan, particularly within train premises where it is prohibited, and to comply with the regulations of Japan and its institutions.

The Philippine Embassy in Tokyo does not endorse these fund-raising activities by individuals and organizations.

Donations to the Philippines, particularly during times of disaster, may be coursed through officially designated Philippine Government agencies, such as the National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) or the Department of Social Welfare and Development (DSWD), to ensure that contributions reach their intended recipients.


PAALALA SA MGA KABABAYANG PILIPINO
UKOL SA PAGLILIMOS O PANGANGALAP NG SALAPI
SA MGA LIWASAN AT PAMPUBLIKONG LUGAR SA BANSANG HAPON

Mariing pong pinaaalalahanan at hinihimok ang mga kinauukulang kababayan na itigil ang paglilimos o kaya’y pangangalap ng salapi at donasyon sa mga liwasan at pampublikong lugar sa bansang Hapon. Ipinaaala po na ang paglilimos at pangangalap ng salapi, lalo pa’t kung ito ay isinasagawa sa loob o di kaya’y sa paligid ng mga himpilan ng tren, ay labag sa batas at sa mga alituntuning pambansa at lokal.

Binibigyang-diin po na ang Pasuguan ng Pilipinas sa Tokyo ay lubos na hindi sang-ayon sa mga ganitong uri ng gawain, at ang Pasuguan ay wala pong sinususugan o itinataguyod na anumang uri ng lantarang pangangalap ng salapi sa mga pampublikong lugar.

Sa mga panahon po ng malawakang sakuna at pangangailangan sa Pilipinas, ang mga donasyon at ambag ay nararapat pong idaan lamang doon sa mga kagawaran, kawanihan o ahensiya ng Pamahalaan ng Pilipinas na sadyang itinalaga para sa gawaing ito, tulad halimbawa ng National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) o Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (Department of Social Welfare and Development). Sa ganitong paraan po ay makatitiyak na ang ating ambag ay maipararating sa mga nangangailangan.

seal-tpe-300x300