1. Home
  2. »
  3. Announcements
  4. »
  5. PAALALA: Overseas Voting 2016

PAALALA: Overseas Voting 2016

as of 11 April 2016

Ang pagboto sa Overseas Voting para sa 2016 National Elections ay nagsimula na noong Sabado, ika-9 ng Abril 2016.

Ang mga naka-rehistrong Overseas Voter ay mayroong isang buwan upang maka-boto mula sa ika-9 ng Abril hanggang sa ika-9 ng Mayo 2016, kasama ang Sabado, Linggo, at mga pista opisyal, mula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon (wala pong lunch break).

Inaanyayahan ang lahat ng mga rehistradong Filipino Overseas Voters sa Japan na bumoto sa nasabing itinakdang panahon ng eleksyon.

Ngayong taon, maaaring bumoto sa pamamagitan ng postal o personal voting sa ilalim ng Automated Election System (AES).

MAHALAGANG PAALALA:

  • Nagsimula nang magpadala ng balota ang Pasuguan sa mga rehistradong botante. Mangyari pong tingnan ang mailbox sa inyong mga bahay. Maaari ninyong ipadala sa Pasuguan ang inyong balota sa pamamagitan ng mail o personal delivery.
  • Kung nais ninyong ipadala ang inyong balota sa pamamagitan ng mail, pakilagyan po ng selyo ang inyong sobre at ihulog sa koreo.
  • Kung ang botante po ay pumunta ng Pasuguan upang bumoto, subalit ang kaniyang balota ay naipadala na sa pamamagitan ng mail, mangyari pong hintaying matanggap ang kaniyang balota sa kanyang rehistradong address at ibalik sa Pasuguan matapos itong sagutan sa pamamagitan ng mail o personal delivery.


ANNOUNCEMENT
OVERSEAS VOTING 2016

The voting period for the 2016 National Elections at the Philippine Embassy in Tokyo, Japan started on 09 April 2016.

Registered overseas voters have one month to cast their votes from 09 April to 09 May 2016, including weekends and holidays, from 9:00 a.m. to 5:00 p.m. (no lunch break).

All registered Filipino voters in Japan are encouraged to vote during the election period. For this year’s elections, the Embassy is implementing Automated Election System (AES) allowing voters to vote either by postal or personal voting.

IMPORTANT REMINDERS:

  • The Embassy has started sending the postal ballots to registered voters. Please check your mailbox from time to time. You can return your accomplished ballot either by mail or personal delivery to the Embassy.
  • If you want to return your ballot by mail, please make sure to buy a stamp for your envelope.
  • If the voter appeared personally at the Embassy to cast his vote but his ballot has already been sent by mail, he shall await the receipt of his ballot in his registered address and then return his accomplished ballot to the Embassy either by mail or personal delivery.