ADVISORY: Pagtaas ng mga kaso ng influenza sa Japan
Dahil sa pagtaas ng mga kaso ng influenza o sakit na trangkaso sa Japan, hinihikayat po namin ang ating mga kababayan na maging maingat at sundin ang mga sumusunod na hakbang upang maprotektahan ang kanilang kalusugan:
- Magsuot ng face mask lalo na sa matataong lugar o pampublikong transportasyon;
- Ugaliing maghugas ng kamay;
- Magtakip ng bibig kapag umuubo;
- Kung nakakaranas ng lagnat, ubo, sipon o panghihina, manatili sa bahay at magpahinga;
- Palakasin ang resistensya;
- Para sa mga high-risk na indibidwal, kumonsulta agad sa doktor kung makaranas ng mga sintomas ng trangkaso; at
- Manatiling updated sa mga abiso ng mga kinauukulan.
Pinapayuhan din namin ang mga magbibiyahe patungong Japan na kumuha ng travel insurance para sa mga hindi inaasahang pangangailangang medikal.
Maaari po kayong makipag-ugnayan sa ating Embahada at mga Konsulado Heneral gamit ang mga emergency hotline numbers sa ibaba:
- Philippine Embassy in Tokyo: 080-4928-7979
- Philippine Consulate General in Osaka: 090-4036-7984
- Philippine Consulate General in Nagoya: 090-6580-6724
Maraming salamat po.