Paalala Para Sa Mga Pilipinong Mag-rerenew o Mag-aapply o Mag-change ng Residence Status sa Japan
Para sa mga kababayan natin na may residence status dito sa Japan, maliban sa mga may residence status na “Designated Activities (Departure Preparation Period)”:
- Kung mag-eexpire po ang inyong period of stay, linuwagan po ng Japanese Immigration ang kanilang proseso upang hindi dumugin ang kanilang mga regional immigration bureaus;
- Sa bagong proseso ng Japanese Immigration, ang mga may residence status na nag-expire o mag-eexpire sa March, April, May, June at July ay maaring mag-apply ng renewal/extension sa loob ng 90 days mula sa expiration ng period of stay;
Kasama na po dito ang mga kailangang mag-apply ng acquisition of residence sa March, April, May at June tulad ng mga Pilipinong ipinanganak dito sa Japan; - Pinapaalala ng Japanese Immigration na aabutin ng tatlong buwan ang kanilang pagproseso ng mga application for change of residence status o extension of period of stay;
- Pinapaalalahanan din ang ating mga kababayan na hindi magbibigay ang Japanese Immigration ng re-entry permit sa mga aalis ng bansa nang may expired na residence status.
Huwag po tayong mag-file ng application o extension nang last minute. Pinakamainam pa rin po na makapag-file ng application o extension nang mas maaga.
Para sa karagdagang impormasyon, maari pong i-check ang link na ito: (Advisory: Immigration Extension of Stay PDF )
Para sa mga may katanungan tungkol sa kanilang passport na gagamitin bilang supporting document sa residence status, maari pong tumawag sa 080-7000-7979 o mag-email sa consular@BURAHINphilembassy.net.
Para sa emergency assistance, maari pong tumawag sa 080-4928-7979 o mag-email sa atn@BURAHINphilembassy.net.
Para sa labor concerns, maaari pong tumawag sa 070-3630-0167 o mag-email sa polo_tokyopost@yahoo.com.