1. Home
  2. »
  3. Announcements
  4. »
  5. PAALALA SA PUBLIKO: Magingat Sa...

PAALALA SA PUBLIKO: Magingat Sa Posibleng Investment at Remittance Scams

 

Nakatanggap po ang Embahada ng mga ulat mula sa ilang Filipino na nabiktima ng mga investment at remittance scams.

Ang investment scam ay nanghihikayat ng mga Filipino sa pamamagitan ng mga pangakong matataas na profit margins or return on investment na makukuha sa mabilis na panahon.

Ang remittance scam naman ay nangangako ng napakataas na exchange rates kumpara sa offer ng mga established na remittance companies or banks.

Ang mga scam na ito ay karaniwang makikita sa social media. May pagkakataon din na ang mga kaibigan o kasama sa trabaho ang magbibigay ng mga ganitong offer.

Hangad po ng Embassy na paalalahanan ang publiko na mag-ingat sa ganitong mga modus operandi. Para tiyakin ang inyong seguridad, sa mga kilala at established na banks or remittance companies lang maglagak ng pera.

Kung nais namang mag-invest sa Pilipinas, tiyakin na ito ay registered sa Securities and Exchange Commission (SEC) o sa Department of Trade and Industry (DTI).

Maraming salamat po.