PAALALA: State of Emergency Sa Tokyo, Osaka, Hyogo at Kyoto

Magpapapatupad ang Government of Japan ng State of Emergency sa Tokyo, Osaka, Hyogo at Kyoto mula April 25 – May 11.

Patuloy naman ang mga COVID-19 restrictions sa Chiba, Saitama, Kanagawa, Aichi, Miyagi at Okinawa hanggang May 11.

Sumunod po tayo sa mga regulations ng Japanese Government at ng ating Prefecture.

Umiwas tayo sa mga high-risk situations na may 3Cs.

Iwasan din po nating lumabas ng ating mga tahanan matapos ang 8 PM o magbiyahe sa labas ng ating mga Prefecture kung walang urgent o importanteng dahilan.

Kung may mga tanong po tayo, maaring mag-konsulta po sa mga website at telephone numbers na nasa poster na kasama ng advisory na ito.