1. Home
  2. »
  3. お知らせ
  4. »
  5. Public Advisory: Internet Scam

Public Advisory: Internet Scam

PAUNAWA

Nais ipaalam ng Philippine Embassy sa Tokyo sa mga Pilipino sa Japan na maging lubos na maingat sa mga internet chat room scams ng mga taong nangangako ng mga bagay tulad ng kasal o mabilis na kita sa isang overseas investment.

Ang modus operandi ng scam na ito ay ang kunin ang tiwala at pahulugin ang loob ng biktima sa pamamagitan ng mga internet chat room. Pinaniniwala ang biktima ng mga tao sa likod ng scam na ito na magpadala ng pera sa kanilang bangko o sa money transfer o di kaya makilala ang maaring mapangasawa ng biktima sa ibang bansa. Maaring pang ipangako na babayaran ang tiket ng biktima papunta sa ibang bansa. Pagdating ng biktima sa ibang bansa, dudukutin siya at tatawagan ng mga nandukot ang mga kamag-anak ng biktima na tubusin ito. Maari ding pilitin ang biktima sa drug trafficking, prostitution, o iba pang uri ng human trafficking.

Napansin ng Philippine Embassy sa Tokyo ang iilang pangyayari ng ganitong internet scam sa mga Pilipino sa Japan. Ipinapaalala ng Philippine Embassy sa mga Pilipino sa Japan na maging higit na maingat upang hindi mabiktima ng mga ganitong scams.

 

PUBLIC ADVISORY

The Philippine Embassy in Tokyo wishes to inform Filipinos in Japan to be extremely wary and cautious about internet chat room scams being perpetrated by unscrupulous individuals promising marriage or quick returns on an overseas investment, among other things.

The modus operandi of these individuals is to gain the trust and develop a relationship with an unsuspecting victim via the internet’s many chat rooms. They deceive their victims to invest in a business by asking for deposits in their bank accounts or money transfers or meet a possible spouse in another country. They will go as far as even supplying the plane ticket of their intended victim or promise to reimburse the victim’s travel expenses. Upon arrival of the victim in the foreign country, they then abduct the victim and demand ransom from the next of kin or force them into prostitution, to traffic drugs, and other forms of human trafficking.

The Philippine Embassy has noted a number of incidents of this nature among Filipinos in Japan and therefore reminds them to be extra vigilant so as not to fall prey to these scams.

 

philseal2