Paalala Sa Publiko

Ipinaaalam po ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang Pilipinong salapi na nasa New Design Series (NDS) ay maaaring gamitin ng publiko sa mga pamilihan hanggang 31 December 2015 lamang. Ang mga ito ay tatanggalan ng halaga sa kalakhang amilihan pagdating ng 1 Enero 2016.

Mula 1 Enero 2016 hanggang 31 Disyembre 2016, maaaring na lamang ipagpalit ang mga salaping NDS sa mga bangko sa Pilipinas ngunit hindi na ito maaaring gamitin sa pang-arawaraw na transaksyon sa mga pamilihan.

Simula sa 1 Enero 2017, ang mga salaping NDS na hindi nagamit o naideposito sa mga bangko ay tuluyan nang mawawalan ng halaga at hindi na maaaring gamitin sa merkado. Mangyari po lamang na gamitin na ang salaping NDS sa pamimili o mga pinansyal na transaksyon bago ang 31 Disyembre 2015, o ideposito ang mga ito sa bangko bago ang 31 Disyembre 2016.

Ang mga Pilipinong nasa ibayong dagat na may salaping NDS na matitira sa 2016 ay maaaring magparehistro sa website ng Bangko Sentral ng Pilipinas mula 1 Oktubre 2016 hanggang 31 December 2016. Sila ay bibigyan ng isang taon mula sa petsa ng rehistrasyon upang mapalitan ang salaping NDS ng salaping maaaring gamitin sa merkado.

MGA SALAPING NEW DESIGN SERIES (NDS)

Tagged as: