1. Home
  2. »
  3. News
  4. »
  5. Paalala Sa Lahat ng Mamamayang...

Paalala Sa Lahat ng Mamamayang Pilipino sa Japan

Source: JMA

Ang lahat ng mamamayang Pilipino sa Japan ay muling pinaaalalahanang may malakas na bagyo (International Codename Vongfong; Japan Code Typhoon Number 19) na dadaan sa lahat ng mga isla sa Japan at mga karatig na lugar at karagatan sa mga susunod na araw. Ayon sa pinakahuling balita, maaari na nitong tamaan ang isla ng Hokkaido sa ika-15 ng Oktubre.

Muling pinapayuhan ang lahat na maghanda, maging mapagmatyag sa dadaanan at pananalasa ng bagyo, at makinig sa mga ulat at mga babala ng lokal at nasyonal na pamahalaan.

Bigyang pansin at tumalima sa lahat ng paalala ng mga awtoridad at sundin ang kanilang mga direktiba at gabay. Manatili po tayong mapagmatyag at handa upang maiwasan ang pinsala na dala ng Vongfong.

Bisitahin po ang website ng inyong kinatitirahang Prefecture at ang website ng Japan Meteorological Agency (http://www.jma.go.jp/en/typh/) para sa karagdagang kaalaman.

Emergency Hotlines:

Philippine Embassy, Tokyo:  080-4928-7979

Philippine Consulate General, Osaka: 090-4036-7984

Philippine Honorary Consulate General, Naha City, Okinawa: 098-892-5486

10 October 2014