PAALALA: Ibayong pag-iingat sa patuloy na pagtaas ng COVID19 cases sa Tokyo

PAALALA

Bilang pag-iingat sa patuloy na pagtaas ng COVID19 cases sa Tokyo , nakikiisa ang Embahada ng Pilipinas sa Tokyo Prefectural Government sa pagbibigay paalala sa ating mga kababayan na mas lalong paigtingin ang kanilang ibayong pag-iingat laban sa COVID19.

Muling pinapaalalahanan ang ating mga kababayan sa mga sumusunod na hakbangin:

  • Tangkilikin ang mga business establishments na may “rainbow” sticker, sapagkat ang mga ito ay napatunayang compliant sa mga prevention measures laban sa COVID19;
  • Iwasang pumunta sa mga nightlife district establishments kung saan mas mataas ang incidence ng COVID19 infection;
  • Iwasang makipag-usap nang malapitan;
  • Iwasan ang non-essential travels sa labas ng Tokyo;
  • Mas mag-ingat ang mga senior citizens at may mga underlying conditions lalo na kapag sila’y lumalabas;
  • Gamitin ang contact tracing app ng Japanese Government.

Hinihikayat ng Embahada ang ating mga kababayan na laging sundin ang mga paalalang ito para sa kanilang kaligtasan at kalusugan.